Inang Paaralan, gabay ng aming diwa,
Dunong mong dulot, hindi malilimutan.
Dahil sa’yo, ay nagkulay,
Umakay ng tapat sa bagong umaga.
Inang Paaralan, gabay ng kabataan,
Hangad mo sa amin ay magandang kinabukasan.
Abot-tanaw na ang aming tagumpay,
Ika’y paaralang nagsisilbing tanglaw.
Chorus:
NCST… Pangako ko’y di malilimutan,
Kahit saan, pangalan mo,
Lagi kong iingatan.
Na tulad mong mapagmahal,
Makatao’t makabayan,
At… higit sa lahat,
Maka-Diyos, makakalikasan.
Repeat Chorus
At… higit sa lahat,
Maka-Diyos, makakalikasan.